Ano Ang Buddhism In Tagalog

Ano Ang Buddhism (In Tagalog)

Ang Buddhism o Budismo ay isang relihiyon at pilopsopiya na nagmula sa ancient India. Ito ay itinatag ni Siddhartha Gautama, o kilala sa tawag na Buddha, na nabuhay noong panahon ng 5th century BCE.

Si Buddha ay isang prinsipe na tinalikuran ang kanyang pagiging maharlika sa paghahanap ng spiritual enlightenment. Pagkatapos ng maraming taon ng pag-aaral at meditation, nakamit nya ang enlightenment na kanyang hinahangad at sinimulan nya itong ituro sa iba.

Ito na ngayon ang tinatawag na Buddhism na base sa mga turo ni Buddha na kung tawagin ay Dharma. Ang mga turong ito ay naka sentro sa Four Noble Truth at ang Eightfold Path, kung saan makakamit ang walang hanggang kaligayahan at paglalaho ng mga pagdurusa.

Base sa Four Noble Truths, ang pagdurusa ay nagmula sa paghahangad ng tao, at ang pagdurusa ay maaaring wakasan, at mangyayari lamang ito sa pamamagitan ng Eightfold Path. Ang Eightfold Path naman ay mayroong walong kasanayan: right understanding, right intention, right speech, right action, right livelihood, right effort, right mindfulness, and right concentration.

Ang Four Noble Truths at ang Eightfold Path

Ang Four Noble Truths at ang Eightfold Path ay ang sandigan ng turo ng Buddhism o Budismo. Tinutukoy ng mga ito ang pagkakaunawa sa sa pagdurusa at ang daan o path upang wakasan ang pagdurusa ng tao at pagkakaroon ng walang hanggang kasiyahan.

Four Noble Truths

DUKKHA – The Truth of Suffering o Ang Katotohanan ng Pagdurusa: Ang pagdurusa o paghihirap ay nage-exist ay parte ito ng buhay ng tao. Kabilang dito ang pisikal at mental na pagdurusa, pati narin ang mga paghihirap na dulot ng change o pagbabago ng mundo.

SAMUDAYA – The Truth of the Cause of Suffering o Ang Katotohanan ng Sanhi ng Pagdurusa: Ang pagdurusa ay sanhi ng paghahangad ng tao ng mga bagay. Kapag ang tao ang naghahangad ng isang bagay nagdudulot ito ng pagdurusa kapag hindi nya ito nakamit. Kapag ang tao ay attached sa mga bagay o ibang tao, nagdurusa ang mga ito kapag ang mga bagay o mga tao na ito ay nawala o nagbago.

NIRODHA – The Truth of the End of Suffering o Ang Katotohanan ng Katapusan ng Pagdurusa: Maaaring wakasan ang pagdurusa sa pamamagitan ng paghinto ng tao sa paghahangad ng mga bagay bagay. Ito ang estado ng enlightenment o tinatawag na Nirvana, kung saan ang tao ay nakalaya na sa pagdurusa at dumaan na sa cycle ng death at rebirth.

MAGGA – The Truth of the Path to the End of Suffering o Ang Katotohanan sa Landas ng Katapusan ng Pagdurusa: Ang landas sa pagwawakas ng pagdurusa ay ang Eightfold Path, na kinabibilangan ng walong practices: right understanding, right intention, right speech, right action, right livelihood, right effort, right mindfulness, and right concentration.

Eightfold Path

Ang Eightfold Path ay praktikal na tuntunin para sa isang moral at ethical na pamumuhay na magiging daan upang wakasan ang pagdurusa ng tao.

Hindi ito isang step-by-step na guide, ito ay isang konsepto o framework sa pagdevelop ng karunungan, compassion, at virtue sa buhay. Ang bawat isa sa mga daang ito ay kaakibat ng iba pa at magkakaugnay. Sa pagsunod sa Eightfold Path, ang tao ay magkakaroon ng Enlightenment o kanyang makakamit ang Nirvana.

  • Right Understanding o Tamang Pag-unawa ay ang pag-unawa sa Four Noble Truths at ang lahat ng bagay ay magkaugnay at hindi permanente.
  • Right Intention o Tamang Intensyon ay tumutukoy sa pagsunod sa tamang landas at mamuhay ng may kabutihang loob at pagmamahal sa kapwa o compassion.
  • Right Speech o Tamang Pananalita ay ang pagsasabi ng totoo at pag-iwas sa mga salitang mapanirang puri o mga harmful speech.
  • Right Action o Tamang Kilos ay ang pagkilos ng hindi nakakasakit ng kapwa o ng sarili.
  • Right Livelihood o Tamang Pangkabuhayan ay ang pagpili ng propesyon o negosyo na na hindi nagdudulot ng masama at hindi salungat sa spiritual practice.
  • Right Effort o Tamang Pagsisikap ay ang pagsisikap na palawakin ang positibong kaisipan at iwaksi ang kaisipang negatibo.
  • Right Mindfulness o Tamang Estado ng Pag-Iisip ay ang pagiging aware sa sariling mga salita at gawa.
  • Right Concentration o Tamang Konsentrasyon ay ang abilidad para makapag focus sa pag-iisip upang makamit ang state of meditation.

Ang Konsepto ng Karma

Ang Karma ay tumutukoy sa law of cause and effect. Ito ay konsepto o paniniwala ng Buddhism na ang aksyon ng tao maging pisikal man o mental ay may mga katapat na consequences at makakaapekto sa susunod na buhay ng tao.

Sa Budismo, ang Karma ay tinitingnan bilang isang natural na proceso at walang kinalaman sa divine o supernatural. Hindi ito tinitingnan bilang punishment o reward system, bagkus ito ay natural na batas na nagbibigay ng consequences sa mga kilos o aksyon ng mga tao.

Ito ay kakabit ng sa ideya ng Reincarnation. Base sa paniniwalang ito, lahat ng may buhay ay mayroon kasalukuyang cycle ng life, death, at rebirth. Paulit ulit lang ang cycle na ito.

Ang sitwasyon ng tao sa susunod na buhay ay nakadepende sa mga naipon nyang positive o negative karma sa kasalukuyan nyang buhay.

Epekto ng Buddhism sa Lipunan

Ang Buddhism o Budismo ay mayroong malaking epekto sa maraming aspeto ng kultura at lipunan.

Sa mga bansa kung saan ang Buddhism ay namamayagpag, tulad ng China, Japan, Korea, Thailand, at Tibet, malaki ang epekto nito sa maraming aspeto ng kultura gaya ng, art, literature, philosophy, at mga social norm. Naging inspirasyon ang mga turo ng Budismo sa mga likhang sining gaya ng mga paintings, estatwa, mga templo at iba pa.

Malaki rin ang impluwensya ng ng Buddhism sa mga social norms at values sa maraming parte ng Mundo. Nagpalaganap ang Buddhism ng turo tungkol sa compassion, non-violence, at mga ethical conduct na nakapag-inspire ng mga social at political movements, gaya ng civil rights movement sa United States at ang Anti-War movement sa Vietnam.

Bilang pagtatapos, ang Buddhism o Budismo ay may malaking ambag sa kasaysayan sa mga aspeto ng kultura at lipunan. Ito ang pangunahing tagapag-palaganap ng ideya ng pagmamahal sa kapwa at paggawa ng mabuti.

Sharing is caring!