Ang Sim Registration Act o Republic Act No. 11934 ay inu-obliga ang lahat ng telecomunications company (Smart, Globe, DITO, etc.) sa Pilipinas na irehistro ang lahat ng sim card na ginagamit ng mga Pilipino. Kailangang mairehistro ang SIM card sa loob ng 180 days mula December 27, 2022 o hanggang April 26, 2023.
Kapag hindi narehistro ang SIM sa takdang oras, made-deactivate ang iyong SIM at hindi mo na ito magagamit.
Sundin ang 3 simple steps sa baba kung paano iregister ang iyong SIM card. Libre lamang ito at walang bayad. Kung ikaw naman ay nasa liblib na lugar at mahina ang signal, ang mga SIM Provider ang may obligasyon na pumunta sa inyong lugar upang kayo ay makapag rehistro ng SIM.
Step 1: Pumunta sa Registration Link ng iyong SIM Provider
Provider | Registration Form Link |
Globe/TM | https://new.globe.com.ph/simreg |
Smart/TNT | https://smart.com.ph/simreg |
DITO | https://dito.ph/RegisterDITO |
Step 2: Mag-Fill Out ng Form at Magbigay ng ID
Mag-Fill out ng form at maghanda ng isang “Primary Valid Government Issued ID”. Kung ikaw naman ay minor, ang registration ng iyong SIM ay ipapangalan sa iyong parent o guardian.
Tandaan, maaari kang makasuhan kung mali at hindi totoo ang mga impormasyong iyong isusumite.
Ang Mga Kailangang Impormasyon
- Full name
- Date of Birth
- Sex
- Address
- Government ID with photo
Ano Ang Mga Government Issued ID na Pwedeng Gamitin sa Pagpaparehistro ng SIM?
- Passport
- National ID
- Social Security Service ID
- Government Service Insurance System e-Card
- Driver’s license
- National Bureau of Investigation clearance
- Police clearance
- Firearms’ License to Own and Possess ID
- Professional Regulation Commission ID
- Integrated Bar of the Philippines ID
- Overseas Workers Welfare Administration ID
- Bureau of Internal Revenue ID
- Voter’s ID
- Senior citizen’s card
- Unified Multi-purpose Identification Card
- Person with Disabilities card
- Other government-issued ID with photo
Step 3: Hintayin Ang Confirmation ng SIM Card Provider
Hintayin ang text confirmation ng iyong SIM card provider na verified na at rehistrado na ang iyong SIM card. Kung walang natanggap na confirmation ay maaaring makipag-ugnayan sa iyong provider upang maayos ito at hindi abutan ng deadline ng registration sa April 26, 2023.
Step-By-Step Process ng Pag-Register Sa Website ng Provider
- Pindutin ang link ng SIM registration website
- Ilagay ang 10 digit number ng iyong SIM (hindi kasama ang 0 sa unahan hal. 9239808374)
- Makakatangap ka ng text na naglalaman ng OTP o One-Time-Pin
- Ilagay ang OTP sa website para makapagpatuloy sa pagregister ng SIM
- I-fill out ang form at ibigay ang mga hinihinging impormasyon
- Mag-upload ng valid ID at mag-submit ng selfie o litrato ng iyong sarili.
- I-check ang mga privacy checkbox at attestations
- Pindutin ang Submit
- Hintayin ang confirmation na rehistrado na ang iyong SIM