Ang Cryptocurrency ay isang digital o virtual currency na gumagamit ng cryptography para sa secure financial transactions. Ito ay decentralized na ang ibig sabihin ay hindi ito kontrolado ng alin mang gobyerno o institusyon.
Maaaring makipagtransaksyon gamit ang cryptocurrency ang isang tao ng hindi nya kinakailangang ipaalam kanino man ang kanyang identity o pagkakakilanlan. Ang cryptocurrency rin ay highly secure o hindi madaling manakaw o mahack ng iba dahil gumagamit ito ng complex cryptography.
Ginagamit ang cryptocurrency sa mga online payments at pwede rin itong bilhin at ibenta bilang investment. Maraming uri ng cryptocurrency pero ang pinaka sikat sa mga ito ay ang Bitcoin.
Saan Nagmula Ang Cryptocurrency
Ang konsepto ng Cryptocurrency ay nagmula pa noong 1980’s kung kailan ang mga researcher ay nag-iisip ng paraan para gamitin ang cryptography para gumawa secure at decentralized na digital currency. Pero nagkatotoo lang ang ideyang ito noong 2009 kung kailan lumabas ang Bitcoin.
Ginawa ang Bitcoin ng mga isang tao o grupo ng tao na kilala sa pangalan o pseudonym na Satoshi Nakamoto. Sila o Siya ang nag release ng white paper o plano ng technical na mga detalye ng cryptocurrency. Ang unang Bitcoin transaksyon ay nangyari rin ng taong 2009, at mula noon dumami na ang taong naging interesado sa cryptocurrency.
Sa pagsikat ng Bitcoin, unti-unti ring lumabas ang iba pang uri ng cryptocurrencies. Ang ilan sa mga ito ay ang Ethereum, Litecoin, Ripple at iba pa.
Ang cryptocurrency ay volatile o nag iiba-iba ng value sa paglipas ng panahon. Maaaring mataas ang value nito ngayon at bumaba naman ng value bukas. Ito rin ay humaharap sa maraming kontrobersya gaya ng potensyal na magamit ito sa mga ilegal na gawain. Nais din ng mga gobyerno na i-regulate ang cryptocurrency para maprotektahan ang publiko sa pagkawala ng kanilang mga pera gaya na lamang ng nangyari ng nalugi ang malaking cryptocurrency exchange na FTX.
Sa kabila ng mga pagsubok na ito na kinakaharap ng cryptocurrency, parami parin ng parami ang mga merchant at negosyo ang tumanggap nito bilang pambayad sa mga produkto at serbisyo.
Paano Gumagana Ang Cryptocurrency
Gumagana ang cryptocurrency sa pamamagitan ng komplikadong mathematics at cryptography para makagawa ng secure at decentralized na digital currency o pera. Nire-record ang mga transaksyon ng cryptocurrency sa isang pampublikong ledger na tinatawag na blockchain. Ang ledger na ito ay isang database na mini-maintain ng isang network ng computers.
Kapag ang isang user ay gustong gumawa ng transaksyon gamit ang cryptocurrency, kailangan nyang mag initiate ng request gamit ang kanyang digital wallet. Ang wallet na ito ay naglalaman ng unique at walang katulad na cryptocurrency address at private key na gagamitin para ma authorize o matuloy ang transaksyon. Pagkatapos nito, ang request ay ipapasa o ibo-broadcast sa network ng computers para i-validate ang transaksyon at idagdag ang record ng transaksyong ito sa blockchain.
Kapag nadagdag na ang transaksyon sa blockchain, hindi na ito pwedeng baguhin o burahin. Ito ay makakatulong upang mapanatiling secure at may integridad ang transaction. Ang pagiging decentralized ng blockchain ay nangangahulugan na walang central authority gaya ng banko sentral na nagko kontrol dito, kaya bukas ito sa lahat ay madaling ma-beripika.
Ang mga transaksyon na ito ay anonymous at hindi kinakailangan na ang user ay ipakita o ipaalam ang kanilang identity o pagkakakilanlan. Sa halip, ang mga user ay natutukoy sa pamamagitan ng kanilang cryptocurrency address.
Ang cryptocurrency mining naman ay isang proseso ng pag verify at pagdagdag ng transaction sa blockchain. Gumagamit ang mga miner ng mga powerful computer para mag solve ng mga komplikadong mathematical problems, at bilang kapalit, binibigyan sila ng reward na cryptocurrency. Ang cryptocurrency mining ay isang paraan para masiguro ang seguridad at pagiging matatag ng cryptocurrency network.
Mga Halimbawa ng Cryptocurrency
Maraming mga uri ang cryptocurrency at laging mayroong bagong nadadagdag habang lumilipas ang panahon.
Bitcoin: Ang pinakauna at pinakakilalang cryptocurrency ay ang Bitcoin. Ito ay ginawa noong 2009 base sa isang decentralized na network. Ang Bitcoin ay kilala dahil sa kanyang mataas na value ay ginagamit bilang store of value o pera para sa mga online payments.
Ethereum: Ang Ethereum ay isang decentralized platform na gumagana sa pamamagitan ng smart contracts o applications na tumatakbo sa eksaktong paraan kung paano ito nai-program at wang posibilidad na magkaroon ng downtime, censorship, fraud, at iba pa. Ito ay ginawa noong 2015 at ang tawag sa cryptocurrency nito ay Ether.
Litecoin: Ang Litecoin ay isang peer-to-peer na cryptocurrency na ginawa noong 2011 bilang mas magaan na bersyon o lighter version ng Bitcoin. Ito ay dinisenyo para maging mas mabilis at mas efficient kaysa sa Bitcoin at ang mga transaksyon ay mas mabilis ma-confirm sa mas mababang cost.
Ripple: Ang Ripple ay isang global payment network na gumagamit ng sarili nitong cryptocurrency na tinatawag na XRP para sa mga cross-border o international payments at exchanges. Ito ay ginawa noong 2012 at dinisensyo para maging mas mabilis at mas mura kasya sa mga traditional payment methods.
Monero: Ang Monero ay isang privacy-focused cryptocurrency na ginawa noong 2014. Ito ay gumagamit ng advanced cryptography para masiguro na ang mga transaksyon ay anonymous, kaya ito ang pinakasikat na cryptocurrency para sa mga gusto ng high degree of privacy.
Cardano: Ang Cardano ay isang decentralized na platform na gumagamit ng smart contracts na naka-focus sa security at scalability. Ito ay ginawa noong 2017 at ang tawag sa cryptocurrency nito ay ADA.
Saan Ginagamit Ang Cryptocurrency
Maraming pwedeng pag gamitan ng cryptocurrency lalo na sa panahon ngayon na dumadami na ang tumatangkilik dito.
Online Payments: Ang cryptocurrency ay pwedeng gamitin para sa online payments and transactions gaya ng traditional na pamamaraan gaya ng credit card o online banking. Ito ay mabilis, secure, at nagagawang ang user ay makipagtransaksyon na hindi pinapaalam ang kanyang mga personal information.
Investment: Ang cryptocurrency rin ay pwedeng bilhin at ibenta bilang investment gaya ng stocks. Ang value nito ay madaling magbago kaya ang iba ay kumikita ng malaki kapag biglang tumataas ang value nito ngunit ang iba naman ay nalulugi kapag bumababa ang value ng cryptocurrency.
Remittance: Ginagamit din ang Cryptocurrency sa pagpapadala ng pera internationally. Nagagawa nitong makapagpadala ang mga user sa kanilang mga pamilya at kaibigan sa ibang bansa sa mababang fees at hindi na nila kailangan pumila ng matagal gaya ng mga traditional na remittance centers.
Supply Chain Management: Ang cryptocurrency at blockchain technology ay maaaring gamitin upang mapaganda ang supply chain transparency at traceability para ang mga kumpanya ay matukoy ng mas maayos ang paggalaw ng mga produkto at materyales.
Ano Ang Mangyayari sa Cryptocurrency sa Hinaharap
Mahirap hulaan ang mangyayari sa cryptocurrency sa hinaharap dahil ang technology nito ay mabilis na nagbabago. Pero malamang na may tanggapin pa ng nakararami ag cryptocurrency at mas marami pa ang gumamit at tumangkilik nito.
Isa sa mga dahilan kung bakit mas dumarami na ang gumagamit ng cryptocurrency ay dahil gusto ng mga tao ng alternatibong payment methods. Habang dumarami ang nagkakaroon ng access sa internet at digital technologies, ang paggamit ng traditional financial systems ay maaaring bumaba sa hinaharap.
Marami rin ang pwedeng maging balakid sa paglago ng cryptocurrency sa hinaharap. Gaya na lamang ng mga regulatory changes, security risks, at pagdami ng mga fraud cases. Mahalaga na ang cryptocurrency industry ay maghanda para sa mga ganitong bagay upang magkaroon ng tiwala ang mas marami pang tao at tangkilikin ang cryptocurrency.
Bilang panghuli, ang hinaharap ng cryptocurrency ay hindi masisiguro, pero ito ay may malaking epekto o ginagampanang papel sa financial system ng mundo.