Ang pag-gawa ng tula o poetry ay isang uri ng creative writing kung saan ang may akda ay nagpapahayag ng kanyang emosyon, ideya, at mga karanasan sa pamamagitan ng mga letra at talata.
Ang pagsusulat ng tula o poem ay isang masayang uri ng libangan pero maaari din maging mahirap para sa mga baguhan.
Sa article na ito, malalaman mo ang mga steps kung paano gumawa ng isang tula.
Step 1: Pumili ng Paksa
Ang unang step sa paglikha ng tula ay ang pagpili ng topic o paksa. Isipin mo kung ano ang gusto mong ihayag sa iyong tulang gagawin. Maaari itong tungkol sa iyong karanasan, mga emotion, o kaya tungkol sa isang lugar o tao.
Kapag mayroon ka ng paksa, maaari ka ng mag brainstorm ng mga karagdagang ideas.
Step 2: Brainstorm Ideas
Maglaan ng oras para ilista ang mga ideas na may kaugnayan sa iyong topic o paksa. Wag kang mag-alala kung ano ang iyong mga ililista, wag mo munang isipin kung may sense ba ito o kaya naman kung complete sentence ba ang mga ideas na ito. Basta isulat mo kung ano ang iyong maisip.
Magagamit mo ang brainstorming exercise na ito bilang pagsasanay sa pagsusulat at upang natural na lumabas ang iyong pagka-creative sa pagsusulat.
Step 3: Pumili ng Porma ng Tula
Ang poetry o pagsulat ng tula ay mayroong iba’t ibang form o porma. Ilan sa mga ito ay ang mga sonnets o sonata, haikus, free verse, ballads at iba pa.
Bawat isa sa mga ito ay may mga kanya kanyang panuntunan at sukat ng letra at verses.
Kung hindi ka pa sigurado kung alin sa mga ito ang magiging porma ng iyong tula, maaari mong subukan kahit alin sa mga ito.
Step 4: Piliin Mabuti ang mga Salita
Ang mga salitang iyong gagamitin ay mayroong malaking epekto sa magiging kahulugan at tono ng iyong tula. Maaaring gumamit ng mga salitang naglalarawan o descriptive words upang mailarawan ng mabuti sa isip ng mambabasa ang gusto mong iparating.
Laging gumamit ng mga salitang madaling maintindihan at madaling basahin.
Step 5: Gumamit ng Figurative Language
Ang mga figuratve language o mga matatalinhagang salita ay makakadagdag sa quality at ganda ng iyong tula. Halimbawa ng mga ito ay ang mga similes, metaphors, at personification.
Maaari kang gumamit ng mga ito upang gawin pang mas makulay ang iyong poem.
Step 6: Edit and Revise
Kapag tapos ka ng magsulat ng tula, wag kalimutang basahin ito at itama ang mga mali at baguhin o i-revise ang mga dapat ayusin sa mga letra at verses.
Subukang basahin ang iyong tula ng malakas o kaya naman ay sa harap ng ibang tao upang makita mo kung maayos ang flow ng iyong tula.
Wag matakot magbura, magpalit, o mag-edit ng mga salita kung kinakailangan.
Step 7: I-Share ang Iyong Tula
Ang pagse-share ng iyong tula sa ibang tao o kaya sa social media ay isang magadang paraan upang makakuha ng feedback na magagait mo upang i-improve ang iyong writing skills.
Wag na wag mahihiyang mabasa o makita ng iba ang iyong tula. Be proud!
Maaari ka ring sumali sa mga writing groups o kaya pwede mong ipasa ang iyong tula sa mga poetry websites.
Konklusyon
Makakatulong ang pagsunod sa mga steps na ito upang makapag-sulat ka ng magagandang tula at ma-express mo ang iyong ideas at feelings sa makabuluhang pamamaraan.
Wag kalimutang sumubok ng iba’t ibang form ng tula, gumamit ng mga descriptive na salita, at i-edit at i-revise ang iyong tula kung kinakailangan.
Kayang kaya mo yan!