Ang autobiography ay isang written account o talambuhay ng isang tao, na kung saan ang taong ito mismo ang nagsulat (Kapag ibang tao ang nagsulat ng kanyang talambuhay ito ay tinatawag na Biography).
Ang autobiography ay isang tala ng mga nangyari sa buhay ng nagsulat nito, mga importanteng kaganapan sa kanyang buhay, mga tao, at mga karanasan.
Madalas ang mga sikat at kilalang tao ang sumusulat ng kani kanilang autobiography pero maaari din namang magsulat ng autobiography ang sinuman na gustong itala ang kanilang talambuhay.
Maaaring isulat ang autobiography sa iba’t-ibang format katulad ng traditional narrative, koleksyon ng mga salaysay, o kaya mga personal na mga liham.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng ng pagsusulat ng autobiography ay upang makapagbigay ang may akda ng kanyang mga pananaw at aral buhay ng kanyang mga karanasan sa buhay.
Ito rin ay isang paraan upang mas lalong makilala ng may akda ang kanyang sarili at makapagbigay ng inspirasyon sa iba.