Ano Ang AI o Artificial Intelligence

Ano Ang AI o Artificial Intelligence?

Ang AI o Artificial Intelligence ay usap-usapan ngayon. Itinuturing itong “future of technology” at inaasahan ng marami na makakaapekto sa pamumuhay at trabaho ng mga tao. Pero ano nga ba ang AI? Paano gumagana ang AI?

Sa article na ito, ipapaliwanag natin kung ano ang AI o Artificial Intelligence.

Ano Ang AI

Sa simpleng paliwanag, ang AI ay tumutukoy sa computer systems na kayang gumawa ng mga bagay na kailangan ng talino at pag-iisip ng tao. Kabilang dito ang problem-solving, decision-making, language understanding, at visual perception. Ang ChatGPT at Midjourney ang mga sikat na halimbawa ng AI platform sa ngayon.

Ang ChatGPT ay isang AI-powered language model na dinisenyo para makapagbigay ng sagot o reply sa mga tanong na ibibigay dito. Maaari itong gamitin sa maraming bagay gaya na lamang ng pag-translate ng mga salita at pag-gawa ng mga essay, article, at iba pang uri ng creative writing.

Sa kabilang banda, ang Midjourney naman ay isang AI-powered platform para makagawa ng mga imahe o pictures gamit ang machine learning algorithms. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga product design, marketing, at mga visual storytelling.

Ang ChatGPT at Midjourney ay mga halimbawa kung paano ino-automate ng AI ang mga bagay na dati ay tao lang ang nakakagawa.

Paano Gumagana ang AI o Artificial Intelligence?

Ang AI ay binubuo ng mga combination ng algorithm, mga data, at computer power. Ang algorithm ay dinisenyo para gayahin ang paraan ng pag-iisip ng tao. Ito ay sinasanay sa pamamagitan ng mga data kung saan natututo ang algorithm na tumingin ng ma patterns at sa pamamagitan nito makakagawa ito ng mga prediction.

Habang dumadami ang data na pino-proseso ng algorithm, ito ay mas lalong natututo at nagiging mas magaling sa pag identify ng mga pattern at pag gawa ng mga prediction. Ang prosesong ito ay tinatawag ding Machine Learning.

Sino Ang Nag-Imbento ng AI / Kailan Naimbento Ang AI

Ang ideya ng AI o Artificial Intelligence ay matagal na, pero ang kauna-unahang pagkakataon na nabanggit ang salitang “artificial intelligence” ay noong 1956 sa Dartmouth Conference, kung saan nagpulong ang mga scientists na interesado sa posibilidad ng mga machine na kayang mag-isip ng gaya ng mga tao.

Ang konsepto ng AI ay makikita sa mga pagsasaliksik ng mathematician at philosopher na si Gottfried Leibniz. Noong 17th century, siya ay nag proposed ng ideya na maaaring makagawa ng machine na kayang mag-compute ng mga mathematical equation o isang calculator. Lumipas ang panahon at noong 19th century, si Charles Babbage ay nakaimbento ng “Analytical Engine” ito ay isang mechanical computer na kayang mag-compute ng mga complex calculations.

Pero nagkaroon lamang ng breakthrough sa larangan ng AI noong 20th century ng na-develop na ang mga digital computers. Noong 1950s at 1960s, sila John McCarthy, Marvin Minsky, at Claude Shannon ay ang mga pangunahing nagdevelop ng modern AI sa pamamagitan ng pagdesenyo ng kaunaunahang mga AI programs at algorithms.

Mula noon, ang AI o Artificial Intelligence ay mas lumawak pa dahil sa mga advancement sa machine learning, deep learning, at natural language processing.

Sa kasalukuyan, ang AI ay ginagamit natin sa napakaraming bagay, tulad ng pag monitor ng stocks at cryptocurrency, mga computer games gaya ng chess engines, virtual assistants tulad ng Siri at Alexa, mga robots, at mga self-driving cars gaya ng Tesla ni Elon Musk.

Sharing is caring!