Ang outsourcing ay tumutukoy sa pag tatalaga ng mga proseso o trabaho ng negosyo papunta sa mga external service providers, na madalas ay mga expert. Ang mga third-party providers na ito, o kilala bilang outsourcing vendors, o vendors, ay ang pumapasan ng responsibilitad na gawin at tapusin ang mga naitalagang trabahong.
Bakit Pinipili ng mga Business ang Mag-Outsourcing
Cost Savings
Isa sa mga pinaka dahilan ng ga kompanya kung bakit sila naga-outsource ay para mabawasan ang kanilang operational costs. Dahil sa pag outsource ng mga tasks sa mga bansa o rehiyon na mayroong mas mababang pasahod at overhead expenses, nakakatipid ang mga negosyo.
Kapag naga-outsource, hindi na kailangan pang mag-invest sa mga infrastructure, technology, at employee benefits. Dahil dito ang mga natipid na pera ng kompanya ay maaaring magamit sa mga iba pa nitong proyekto at strategic initiatives.
Pagkuha ng mga Eksperto
Sa paga-outsource, nagkakaroon ng access sa mga specialized at talentadong mangagawa na wala sa loob ng kompanya. Mapa IT support, customer service, accounting, o digital marketing, ang mga outsourcing partner ay kadalasang nagtataglay ng niche skills at experience, na nakakatulong sa mga negosyo para magkaroon ng mas magagandang business outcomes..
Mas Makakapag-Focus ang Negosyo
Dahil sa pagtatalaga ng mga non-core functions sa mga outsourcing partners, ang kompanya ay makakapag-focus sa kanilang mga core competencies.
Halimbawa, kung ang core competency ng kompanya ay ang manufacturing o paggawa ng produkto, hindi na nito kailangan pagtuunan pa atensyon ang digital marketing dahil pwede itong i-outsource na lamang. Sa gayon, makakapag-focus ito sa pag-gawa o pag manufacture ng produkto.
Scalability at Flexibility
Ang mga outsourcing company ay flexible at scalable. Ibig sabihin, kung kinakailangan ng negosyo na mag scale up kapag sales season o kaya naman magbawas ng cost sa panahon na mababa ang kita, ang outsourcing partners ay pwedeng mag-adjust ng tao o serbisyo. Hindi ito basta basta magagawa ng kompanya kung empleyado nya mismo ang mga taong tatanggalin sa trabaho.
Mas Produktibo
Dahil sa outsourcing mas nagiging produktibo ang ang mga kompanya. Ito ay sa kadahilanang ang mga outsourcing partners ay may mga streamlined processess na nagdudulot ng mas efficient and productive na trabaho. Ang mga outsourcing partners din ay laging sumusunod sa mga deadlines at kadalasang mataas ang kalidad ng trabaho.