Ano Ang Business Concept? (In Tagalog)

Ano Ang Business Concept? (In Tagalog)

Sa pagsisimula ng negosyo mahalagang maintindihan ng mabuti kung ano ba ang iyong ine-negosyo at paano ito gumagana. Dito papasok ang tinatawag na Business Concept o Konsepto ng Negosyo.

Ang Business Concept ay tumutukoy sa kung ano ang iyong negosyo, ano ang produkto o serbisyo iaalok nito, at paano ito makakatulong sa mga consumer. Sa pamamagitan ng pag define ng iyong Business Concept ng malinaw, makakagawa ka ng maayos na plano para sa iyong negosyo at makakagawa ka ng mas maayos na mga desisyon.

May mga importanteng bagay na dapat ikonsidera sa pag tukoy ng iyong Business Concept. Ito ay ang iyong target market at ang iyong value proposition.

Ang iyong target market ay ang mga taong sa tingin mo ay makikinabang ng iyong produkto at serbisyo. Kapag natukoy mo na ang iyong target market, mahalagang malaman mo kung ano ang nais nilang makuhang pakinabang mula sa iyong negosyo.

Kapag nalaman mo na ang impormasyong ito, oras na para gumawa ka ng iyong value proposition, o ang dahilan kung bakit sayo dapat bumili ang mga tao imbes na sa iba.

Mga Halimbawa ng Business Concept

Ang business concept o konsepto ng negosyo ay ang pundasyon ng isang kumpanya kung bakit ito itinayo. Ito ang pinaka ideya o central idea kung saan iikot ang lahat ng tungkol sa negosyo. Ito ang mga halimbawa ng mga business concept.

  • Ang Uber ay isang ride-sharing service kung saan pwedeng umarkila at makasakay sa mga sasakyang malapit sayo.
  • Ang Airbnb ay isang platform kung saan pwedeng mag book ng accommodations sa ibat ibang location sa mundo.
  • Ang Amazon ay isang online retailer kung saan pwedeng mag online shopping.
  • Ang Google ay isang search engine na tumutulong sa users upang makahanap ng mga impormasyon sa internet.
  • Ang Apple ay isang designs and manufacturers ng mga gadgets kaya ng cellphone at laptop. 

Paano Gumawa ng Business Concept?

Ang Business Concept ay isang pundasyon ng isang negosyo, mahalagang malinaw kung ano ang iyong business concept at madali itong maintindihan.

Ang isang magandang Business Concept ay magdudulot ng tagumpay habang tumatagal. Subalit ang hindi maayos na Business Concept ay maaring humantong sa pagkalugi.

Ito ang mga tip kung paano mag develop ng isang malinaw at maayos na Business Concept.

Misyon o Purpose ng Negosyo

Mag umpisa sa mission o purpose ng iyong negosyo. Ano ang gagawin ng iyong negosyo? Ano ang gusto mong marating? Paano mo matutugunan ang pangangailangan ng iyong target market? Ito ang ilang sa mga mahahalagang bagay na dapat mong malaman habang gumagawa ka ng iyong business concept.

Ano Ang Natatangi sa Iyong Negosyo

Isipin mo kung ano ang pinagkaiba mo sa ibang negosyo at ano ang meron ka na wala sa kanila. Meron ka bang bagong produkto na wala sila? Meron bang natatanging bagay na sa negosyo mo lang makikita? Meron ka bang specific expertise na makapagbibigay sayo ng kalamangan sa iyong mga kakompetensya? Kapag natukoy mo na kung ano ang mga bagay na natatangi sa iyong negosyo siguraduhin mo na isama ito sa iyong Business Concept upang malaman ito ng iyong target market at maenganyo silang makipagtransaksyon sayo. 

Ano ang Iyong Produkto o Serbisyo

Alamin mo kung ano ang mga produkto o serbisyo na io-offer mo sa iyong mga customers. Ito ba ay serbisyo gaya ng consulting o design work?  Ang mga produkto mo ba ay ibebenta mo online o sa personal? Siguraduhin mo na isama ang mga impormasyong ito sa iyong Business Concept upang malaman ng iyong mga potential customers kung ano ang dapat nilang asahan kung sila ay makikipag negosyo sa iyo.

Importante rin na magkaroon ka ng ideya kung ilang produkto o serbisyo ang target mong ibenta sa isang buwan o taon upang malaman mo na ang kailangan mong budget o puhunan sa umpisa pa lang. 

Iba Pang Detalye

Panghuli, siguruhing isama ang detalye ng presyo at delivery etc. ng iyong produkto o serbisyo. Ang mga impormasyong ito ay napakahalaga sa mga customer para malaman nila kung anong klaseng produkto o serbisyo ang kaya mong ibigay at kung magkano ito. 

Sharing is caring!